Dito talaga sa iTech Solutions ang unang company sa isip kong puntahan. Kasi call center siya and mag aapply ako dito as OJT sa IT dept. nila then mag aapply ako for the agent position after ng OJT ko. Yun ang original plan. Pero, bago ako ma-hire dito as an OJT, 3 company muna ang pinuntahan namin ni Keneth Malibiran, nagkataon lang na mag kasama kaming maghanap ng company. Dahil sa kaartehan kong mag lakad ng mga pesteng requirements na yan. Eh umarte din ako na sumama kila Donna at Lei sa company pinapasukan nila. Unfortunately, Ung 3 company na un ay humindi sa amin kasi late na nga. Ay, natuloy pala si Keneth sa isang company dun ung Brady, namatay ako sa inggit ng malaman kong my allowance siya per week. Samantalang dito sa office wala. Nga nga and thank you lang ang eksena. So un ang akala ko, later ang chika na yan.
Nung nag apply ako dito, pinapili ako ng HR kung saang division ng IT dept. kung Technical o Programming. nag matapang ako syempre go ako sa programming. Ang ipapagawa sa akin ay bagong website nila. at PHP dapat tanggap na ako sa bukas na bukas start na ako. Nawindang ang buong pagkatao ko at parang ayoko ng bumalik pero no choice kelangan kong magsimula na kung hindi magagahol ako sa oras, ayoko naman sa technical noh! ayoko mag buhat ng computer.
Kinabukasan hindi ako nag start, kasi I need to finish processing my papers at hindi pa ako enrolled. So fly ako sa school. Thank you maam Shiela Geronimo. pinautang moko ng pera kasi nagastos ko yung pang enroll ko eh. haha! any way, Friday hindi pa din ako bumalik, kasi nga graduation ng mga friends ko. *sigh*
Monday, bumalik ako, at infairness hindi ako pinagalitan ng project manager dito sa company si sir C'zar Castillo, so agad agad naman akong pinasa kay sir Roy ang head programmer ng Team, ung team si Sir Zar, sir roy, si JP (ojt from DLSU) at ako. Taray! ang liit pala ng team namin. un ang akala ko. isang batalyong chismosa pala ang team namin mga 7 ata sila my isang mahaderang bakla na lagi akong pinaparinggan. Insecure sakin ata. haha!
Natuwa talaga ako ng binigyan ako ni sir Roy ng sarili kong working station. as in cubicle with matching computer, desk. taray talaga! So mega review ako ng PHP. Basa dito read there. 9am ako nag simulang mag basa 12 ata ako natapos. Mga bandang 1pm nag start na akong simulan ung site. Taray meron na palang aesthetics ang main page. Pages, links, connection sa DB nalang ang kulang. So go na ako sa pag rereview ng code. Infainess my natutunan ako sa code my ganun pala, my ganito, etc. tapos ang gusto ni sir Zar ilipat ko lahat ng articles, testimonials at iba pang infos na hard coded from past site sa DB ng Joomla. Hala! JOOMLA! eh wala naman akong alam sa joomla eh. so aral ulit install ng ganito install ng ganyan. Tapos ilagay ko daw sa bagong site na gagawin ko. Akala niyo madali? madali nga lang. Haha! 4pm na pala at natapos ko na ung pinapagawa sa akin. With matching checking pa un ni sir Zar. Tapos dun nako nag peticks ng konti since my 1hour pa ako bago mag out.
Walang YM at FB. kahit Friendster at Downelink at Planetromeo! mamamatay ako! Dun ako napilitang mag Twitter, di ko naman talaga gusto yun eh. last year ko pa un naririnig di ko sinubukan. Syempre no choice go sa pag ti tweet.
3 days na akong walang ginagawa. mag solitaire, freecell, mag basa ng kung anu anung news, blogs at articles sa net. Feeling ko nga ang talino ko na kasi ang dami kong nalaman. Tulad ng 1year pala ang diploma for photography, april 28 ang bday ni jessica alba, men are weak when it comes to flirting, cancer at Sagittarius pala ang compatible sa sign ko, pwede pala tayong mag time travel, at kung anu anu pa. And feeling ko super friends na kami ni dj Alex and dj louie dahil home radio lang ang tanging karamay ko sa boredom.
Hangang sa makita ako ni sir Zar na nag lalaro lang ng freecell, pinatawag niya ako at pinag docu niya ako ng lumang site. In 1 hour tapos ang docu. balik walang ginagawa nanaman.
Tapos mag li-leave si sir for 3 days at gusto niya pag balik niya tapos na yung site at i aakyat na daw sa management for approval then gora sa pag pa-publish sa web. Taray!
Akala ko busy busyhan nanaman ako, hindi pa pala, 1sang araw ko lang ginawa yung lahat ng links. So super pass na ako ng finished product kay sir Roy. Monday, balik ni sir Zar nagtaka sia bakit wala pa daw sa web yung bagong site. Super paliwanag naman ako na last Wednesday ko pa binigay kay sir Roy yung gawa ko. eh last friday hindi ako pumasok dahil sinamahan ko si Anna para sa isang hindi kagandahang gabi. pero maganda din ung gabing yun kasi nakilala ko ng lubusan (taray!) si Brenda, sarap niya kausap light talker, good listener. any way, sinabi ni sir roy na hinintay daw niya ako sa last friday, kasi ang paalam ko half day pero hindi naman ako pumasok. haha! yung database daw hindi ko nag back up para ibigay sa kanya. haha! ending ako pala talaga ang salarin. Tapos go agad sa pag back up ng DB so after nun tinaas na sa management ung site for approval.
Super kabado ako kasi baka hindi nila i approve at ulitin ko nanaman. Sanay na akong walang ginagawa kaya hindi ko na bet mag work work pa ulit sa site. Taray! Maldita mode. Dumating ang Thursday at kinausap ako ni sir Zar. mag extend daw ako till 7pm kasi hinohost na sa web ang site na gawa ko. taray! so kung my problem magagawan ko agad ng paraan. Maya maya. Keribels na daw umuwi, bukas nalang daw. edi gow.
Kinabukasan, pag bukas na pagbukas ko ng email ko. tumambad ang email ni maam Basa. Urgent daw na pumunta sa school para kunin ang performance evaluation form. so go naman ako kay sir Zar para mag paalam. "Ay, wag muna. my konting problema pa sa site" ay sumakit talaga yung planchadong bangs ko sa sinabi ni sir. So super ask naman ako kay Anna kung pwede ikuha niya ako. Hindi daw niya nakuha. fine. ako nalang gagawa ng paraan.
My nai-link pala akong mali. dapat ung underconstruction page naka link kay ganito at yung page na toh dapat kay ganyan. So super gawa naman ako. Natapos ko din naman agad. Eh since tinamad na akong umalis at 5 pm na aabutan ko pa ba si maam Basa sa school so uwian na.
On the following week, my na-discover akong site na hindi blocked ng admin at isang damak mak na laro ang pwede mong laruin! Taray! (Any ways nung tumawag si mhackz nung na-set up namin si Jelo nabanggit ko na nag ti-twitter na lang ako imbes na FB, my nakarinig ata kaya pina blocked nila yung twitter. huhu) Nahuli ako ni sir Zar na nag lalaro lang so for the tawag siya sa akin sa office niya. Crepe! hindi ko ata matatapos yung 200 hours ko. my niririnig pa akong heart beat na parang sa star struck.
Maya maya, nag salita na si sir Zar, unang tanong: "kelan ka matatapos mag OJT?" OMG, katapusan ko na. "sir sa may 21 po next week" ikalawang tanong "BAKIT PURO LARO ANG INAATUPAG MO?" char lang haha! ikalawang tanong: "kelan ka ga graduate?" "huh? sir? hopefully po this sem o nex year" "ay akala ko OJT nalang tinatapos mo? tapos graduate kana" "hindi pa po sir madami pa pong naiwang subjects" anu kaya ang eksena at tinatanong niya ako ng ganito?? maya maya pa: "iha hire na sana kita eh, akala ko graduate ka na, sayang naman kung iba pa ang kukunin ko. Maganda na yung kakilala ko na diba? Maganda naman ung performance mo, at nakita mo naman kulang kami." TARAY! gusto kong iuntog yung ulo ko sa desk niya that time kasi hindi ako makapaniwala. Crappy! opportunity un mga ate mga kuya! lalagpas lang ng walang man lang akong pwedeng gawin. So for the say nalang ako: "Sir balik nalang po ako dito pag katapos po ng graduation ko." at kung anu anu pang mga salitang binitiwan ni sir Zar para manghinayang pa ako sa opportunity.
So lalo kong narealize na malaking opportunidad pala talaga ang pinalagpas ko nung nasa jeep na ako pauwi. hindi lang ako maka concentrate kasi ang kyawti (mabaho) talaga ni manong! buti nalang at hindi naman ganun kalayo at katagal ang byahe ko. Pero sumakit ang ulo ko nun ng sobra kasi pagod, stress sa kakaisip sa opportunity, gutom pa.
Finally, 1 day nalang, pero last tuesday my bagong dating na employee, infairness approachable siya, si maam Elaine my nakakausap na ako dito sa office maliban kay Mhackz o Lee na tumatawag sa kalagitnaan ng shift ko. haha!
Ewan ko, sa ngayon si eminem lang ang gusto kong lapitan at sabayan siyang kumanta ng
"You better lose yourself in the music, the moment
You own it, you better never let it go
You only get one shot, do not miss your chance to blow
This opportunity comes once in a lifetime yo"
- oNzey
Herbalife Shapeworks Formula 2 Multivitamin Complex
