Tuesday, June 22, 2010

Mga Baklang Kanal! Nag-Enjoy ba kayo? Kasi Ako hinde! Episode 4

sa huling story ko. Actually, this last story ay 3rd episode dapat. Ginawa ko lang siyang last kasi dito niyo na malalaman kung bakit ganito ang title ng story. Feel ko ihuli sya para exciting diba?

saturday May 22, 2010. Second class room training sa org namin. Umaga nun niyaya ako ni Lee kung gusto ko daw sumama sa kanya for an event wala daw siya kasi mayaya. "Teh, hindi ako pwede ng umaga hanggang hapon. Kasi my commintments pako." "Gaga! gabi naman yun eh." "Anu ba yon?" "John Rey invited for their performance sa CCP. Mamaya pa naman 8pm, pero dapat 7pm nandun na tayo." "Keri, 3pm naman tapos ng training namin eh. Tapos sasamahan ko pa si sir Afable bumili ng tripod niya sa Quiapo." "Okay, see you later."

Nung tanghali, break time na namin sa training. Sa Mcdonald's kami kumain. sakto nakita ko si John Rey. "Uy! My sayaw daw kayo mamaya sa CCP huh?" "Oo, punta ka ha?" "Oo, niyaya ako ni Lee." "Sige sige, punta kayo dun mga 7pm." "Okay sure." Umalis na si John Rey. Pero bakit medyo kinilig ako? Taray! 

After nung training, pumunta na kami ni sir Afable sa Quiapo para bumili ng tripod. Kasama namin si maam Khaye at kuya JM. Una munang bumili ng fish eye lens si maam Khaye. Tapos yung tripod ni sir Afable. Hay, medyo naiingit ako ako kasi gusto ko din bumili ng DSLR na camera. "Sir, super gastos talaga sa gamit huh?" "Oo, medyo magastos talaga yung ganitong hobby." Sumang-ayon din naman si Kuya JM at maam Khaye. "Magastos din yung hobby ko eh." "Ano?" "Boys! char!" "haha magastos nga yan!" Taray!

Super tawag na si Lee kasi mag 6pm na sa Isetan daw kami magkita. So go na ako at nag paalam na ako sa kanila para pumunta ng Isetan. nag lalakad ako sa my bandang Quiapo church. Wandering, and looking on those things on the sidewalks ng biglang my humarang sa akin na tindera. "Sir! pamparegla po." Na shock talaga ako nun kasi sa lahat ng taong dumadaan doon ako talaga yung inalok ni ate ng pamparegla. Taray! Siguro kita na sa muhka ko kung gaano ko kagustong magkaregla. Taray talaga!

Pagdating ko ng Isetan. Super tawag na si Lee. "Asan ka na?" "Nasa puso mo! Nandito na ako sa Isetan, saan kita makikita?" "Dito sa my 5th floor sa my cinema." Ay! ****** ***, ayoko nga pumunta doon kasi madaming alam niyo na. Nakakatakot kasi doon. Pag dating ko ng 5th floor, tama nga hinala ko ang dami ngang mga lalake dun na parang my hinahanap at nagmamasid. Pagkakita ko kay Lee, gusto pa niya mag stay ng konti dun kasi may nakita siyang boylet. Hala!

"Teh my bikini show sa baba." "Weh? Gora tayo bilisan mo alam mo yan!" Oo nga my bikini show nga ang daming tao. Super sipat kami from 3rd floor para makita namin yung show. taray! medyo kita namin 
yung back stage mula sa taas. Grabe iba yung feeling. Na excite talaga ako. "Teh baba tayo! dun sa malapit sa stage." "Teh wag na hinihintay na tayo ni John Rey." "Che! makakapag hintay yan si John Rey!" "Gaga! sasama kita sa bikini show next week. Tara na." "Next week pa? Meron na nga dito."

Wala din nagawa si Lee at bumaba din kami. Sa baba, taray mas madami palang tao. Parang gusto kong hawiin yung mga tao para makauna kami. Parang yung ginagawa ko sa hallway sa school kapag dadaan ako. Oh diba maldita? Kakainis, puro babae palang yung rumarampa. So nag decide na kaming umalis at pumunta sa CCP. "Teh siguraduhin mong my bikini show next week huh." "Oo teh."

Sa CCP, Lee: "Saan po yung artist entrance?" Guard: "Doon po sir." Pag pasok namin, my nakita kaming reception para sa isang show, and we approached the receptionist. "Sir kayo po?" "Si John Rey Teneza?" "Ah sandali lang po sir ha." Yung babaeng in-approach ni Lee ay my kinausap na isa pang babae. habang nag hihintay kami sa gilid at tini-text ni Lee si John Rey lumapit ulit yung babae sa amin at binigyan kami ng tickets. "Sir sunod nalang po kayo sa akin." "Ang bait naman ni John Rey, pinabigay talaga niya yung tickets natin ha." "Malay mo ganun talaga."

Pag pasok namin sa loob ng mini theater nagtaka ako kasi Chinese ang concept ng palabas. My tambol at dragon dance. Si Lee naman, kwento dito kwento doon. My dumaan ng lalake cute, si Lee hala tinambol talaga yung upuan sa tabi niya. Yung tipong kuya dito ka umupo sa tabi ko. Taray ni Lee diba? Maya maya pa ay nagsimula na yung palabas. Super taka na talaga ako. Ang liit ng stage, puro filipino chinese ang performers at 7pm palang nag start na yung show, eh 8pm pa daw yung show nila John Rey. Nagtaka na din si Lee bakit 7pm nagstart. So super text naman si Lee kay John Rey kung start na daw ba yung show nila. Hindi pa daw kasi mine-make-upan pa daw sila. So, maling mali yung pinasukan naming show. Sa sobrang hiya ko, super yuko ako pag labas ng theater. "Oh my god Lee! This is not the show!" "Teh, kasalanan ni ate toh. Binigyan niya tayo ng ticket."

Pagdating namin sa main hall ng CCP. Tinawagan na ni Lee si John Rey. Sa artist entrance daw kami pumunta sa my akyatan papuntang back stage doon daw kami kikitain ni John Rey for the tickets. Nag pasama na kami sa isang receptionist ng CCP para hindi na kami maligaw. Ang taray! Naka bahag si John Rey, malayong malayo sa unang pinuntahan naming show. Si Lee tawa lang ng tawa kasi sa sobrang hiya. Then wait ulit kami sa main hall ng CCP kasi nga 8pm pa daw ang start.

Sa loob ng Main theater ang performance. At sa balcony 5 kami. Sa pinaka taas ng CCP, yung tipong kailangan mo ng binoculars. Nakakatakot pa kapag sumilip ka pababa feeling ko hihigupin ako pababa eh. Pero di naman ako dapat mag reklamo nun kasi niyaya lang ako at libre yun. So ayan before magstart yung show si Lee, chika nanaman. Ginagaya ni keme itong theater sa theater ng school. Maganda gawin dito yung keme. At kung anu anu pang keme sa mundo. At bago mag simula yung palabas sobrang okrayan kami ni Lee dahil sa kahihiyang nangyari kanina. Tinatawanan nalang namin yung nangyari pero nung oras ng palabas namin ng mini theater kanina. Parang gusto ko ng saksakin sa likod si Lee sa sobrang hiya. Taray!

Start na ng show, ay tungkol pala yun sa isang lugar dito sa Pilipinas at sa mga tao doon. Yung unang 30 minutes ng palabas ay sobrang boring as in boring to the max. Ayoko ng ikwento kasi hindi ko talaga feel yung show. Nag chichikahan at nag ookrayan nalang kami ni Lee para medyo mafeel namin masaya yung show kahit konti. Yung next 30 minutes medyo okay kasi nandoon na yung dance number. Wala pa doon si John Rey kasi ibang school pa yung performers. Maya maya pa ay my nag voice in "We will have a 15 minutes break. Feel free to do anything and come back after the break. Thank you." "Taray my break break pang nalalaman. Teh di ko bet yung show. Mas maganda yung show na una nating pinuntahan." "Yaan mo na. Para kay John Rey toh." "K! Teh parang mas magandang okrayin nalang natin yung mga audience kesa manuod." "Mas maganda nga ata yon."

"Ay taray ni maam! Nakagown talaga ng green. Leche ka Lee sana sinabi mong pwede mag gown edi sana nag gown ako diba?" "Pssssst! Wag kang maingay! baka magalit yung mga virgin people sa baba." "Teh wag mu silang ganyanin. Malapit sila kay bro."

Habang nag reresume na yung show. as in boring talaga yung show, hindi mo maintindihan yung sinasabi nila kaya okray talaga samin yung palabas. "Teh, bakit ganito yung binili mong dvd? Walang subtitle?" "Hayaan mo na. Bibili na lang ako ng bago. Teh wait lang matutulog nalang ako. Kalabitin moko kapag lumalakas yung hilik ko ha." Ay taray ni Lee mag coconcert nanaman at mas malaking venue, CCP main theater ang feel niya. Nakatulog na si Lee pero bago pa siya kumanta, eh nagising na siya dahil sila John Rey na yung sasayaw. Ayan nuod nuod. Nakakatuwa panuorin si John Rey sa stage. Si Lee my iba pa atang kilala sa mga kasama ni John Rey na sumasayaw kaya todo nood siya. Tapos na yung dance number nila John Rey at balik nanaman sa pagka dull yung show. Si Lee natutulog na. Ayan na, nag co-concert na si Lee. una mahina, siguro nag vo-vocalization pa siya hangang sa abutin niya yung  mataas na tono. Taray napatingin na talaga yung mga tao sa likuran namin, at bago pa abutin pa ni Lee yung pinaka mataas na tono hinampas ko na siya sa braso para magising na siya. "Teh, tapos na yung set mo. Haha! Napatingin sayo yung mga tao sa likod." "Malakas ba talaga?" "Ay teh bet mo irecord ko para marinig mo?" "Gaga!" "Hangang anung oras ba toh?" "10pm ata" "Yes! 10mins nalang!"

After ng show, nag lalabasan na yung mga tao. Kami ni Lee nag pahuli na sa pag labas. At medyo nag inat inat ng katawan. at tumayo ako. Hanggang matapos yung show todo parin sa pang ookray sa amin ni Lee yung palabas kaya ng bago pa kami lumabas ng CCP main theater,"Mga baklang kanal! Nag Enjoy ba kayo sa pinanuod niyo? Kase ako hinde! Wag kayong plastik."

Episode 4 of 4
"Mga Baklang Kanal! Nag-Enjoy ba kayo? Kasi Ako hinde!"


-oNzey

Wednesday, June 16, 2010

Mga Baklang Kanal NagEnjoy ba kayo Kasi Ako hinde Episode 3

sa ipagpapatuloy ng aking kwento.

isang ordinaryong araw lang ang araw na gumising ako. Ang gulo! anyways 12 noon na ako nagising (May 24 2010). Nakalimutan ko na kailangan ko palang pumunta sa company na pinag OJT-han ko para kunin yung performance evaluation form at ang certificate of completion ko. Ang taray diba sa naunang dalawang kwento ko parang wala akong balak mag OJT eh. Pero sorry nakapag OJT ako at my blog din ako about dun. Taray!

Pero kumakain ako ng biglang tumawag si Lee. "Hello, nasan ka?" "Malamang nasa bahay! Baket?" "Papunta kami ni Juluis sa Shang hotel sa Ortigas, diba malapit ka lang doon?" "Oo, bakit anung meron dun?" "Go see ng Bench para sa fashion week." "TALAGA?? Go ako dyan what time ba yan?" "1:30 papunta na kami. Kasama si Gerald" "Okay wait lang! Ligo lang ako."

naalala ko na pupunta pala ako sa company. Para kunin yung mga papers kasi bukas yung deadline of submission na binigay ni ms. Basa sa section namin. So panu yun? hatiin ko yung katawan ko yung isa pumunta sa ortigas para makakita lang naman ng mga yummy na model at yung isa naman pumunta sa Libis para kunin yung mahahalagang papeles? Syempre, makati ako, pumunta ako sa Shang Hotel para makakita ng mga yummy na model na ikakabusog ng mata ko. Meron pa naman atang time para kunin yung papers kinabukasan eh.

Pag dating ko doon. Wow ang sosyal naman pala sa loob ng Shang Hotel. 2 years old ako nung huling pumunta ako doon anu naman maaalala ko sa lugar na yun? kaya syempre tuwang tuwa naman ako. Pagdating ko sa Hall kung saan nandun yung casting. Wow talaga! busog na busog yung mga mata ko sa aking nakita. As in wow sabi nga ni Coco Martin na ang gwapo kapag galit. Yung mga models ni Julius ang gwapo talaga. Si Lee, ewan ko dun bakit hindi nag dala ng models niya. Sayang.

"Bakit hindi ka nag dala ng i-gogo see mo?" "Si Gerald nga eh." "Teh, wit my pag asa. Ang height teh." "Yaan mu na. Try lang naman eh." "Hay sayang talaga. Next time alam mo na gagawin mo ah?" "Teh hindi naman ako sa sanay sa mga ganyan, alam mo pang events lang ako." "K!"

Unti unting dumadating ang mga models lalake o babae. Pero infairness muntik na akong magpalit ng paniniwala. Taray! Ang go-goreous naman talaga ng mga babaeng models na nag ka-cast. Muntik na akong maging tibo. Anyways, Ang dami ding becky, mga agents yun ng mga nag ka-cast. Si Lee ang daming kwento tungkol sa mga tao dun. Ito si ganyan keme, ito si ganito keme. at kung anu anu pang kakemehan. Pero infairness kay Lee pinapakilala naman niya ako sa mga tao doon.

My mga bagong artista hindi gaanong sikat din ang nakita ko. Mga models na madalas makita sa commercials. Keber ko naman sa kanila. Okay na ako sa pag tingin sa kanila.

Nung tinawag na yung mga models ni Julius at si Gerald. Nag tanong ako kay Lee. "Teh, bakit hindi tayo sasama?" "Anu ka ba dito lang tayo." "Ay, hindi ko sila makikitang naka underwear?" "Hindi." "Ay anu ba yan!" "Dito lang tayo noh. Bawal talaga tumingin kapag go see." "Okay!" Bitterness mode naman ako nung time na yun pero okay lang. Kuntento na ako sa mga nakita ko.

While waiting, nabanggit ni Lee kay Julius na gusto ko daw manuod sa fashion week. So go naman si Juluis. "Sige sumama sama ka lang kay Lee. Nabigyan ko na yan ng pass." "Sige sige kahit kaninong fashion show go ako. Gusto ko lang makapanuod sa personal ng isang fashion show talaga." Lagi kasi sa tv at youtube lang ako nanunuod ng fashion show eh. Mas maganda kung sa personal ako makakapanuod. At ung totoong fashion show na my totoong models.

Oh Edi kwento kwento kwento at maraming maraming kwento pa. Sa sobrang tagal ng casting. Dumating na si Gerald, bigo siya makapasok. Pero yung dalawang models ni Julius pasok, yung iranian na taga college of dentistry sa school, at si Jesse Hollman, ang cute niya kapag tinitigan mo. Promise. Sabi ko kay Lee "Teh tara na kain na tayo, gutom na ako." Gutom na din daw si Gerald nun kaya gustong gusto ko ng umalis kasi wala na din naman kaming hinihintay. "Wait lang teh, hintayin na natin si Julius." "Ah okay." Wala din naman akong magagawa kasi si Lee ang sasagot ng food ko. Taray! So wait naman kami. Sa sobrang tagal at wala na kaming mapag usapan. Si Lee nakatulog. Maya maya, ay! akala ko Go see ng Bench yung napuntahan ko, concert din pala yun ni Lee. Taray talaga ni Lee. Na shock sila Julius at yung isa pang talent agent sa pag concert ni Lee. Kaya nag tawanan kami.

Go na kami sa shang mall. kasi tapos na at go na sa pag kain dahil gutom na gutom na kami. Sabi ni Lee mauna na sila sa KFC kasi kailangan pa daw niyang mag withdraw ng cash. Oh diba? "Saan ba my BDO dito?" "Doon teh sa labas." "Sigurado ka?" "Ay, medyo kabisado ko tong Shang mall noh. Tara." Edi pila naman kami sa ATM machine, habang nakapila, nag ookrayan kami ni Lee. Pansin ko na imbyerna yung babae sa likod namin. Naingayan ata sa amin. Pake namin? Edi mag ingay din siya. Sa loob ng ATM booth tuloy pa din yung chikahan namin ni Lee.

Napansin ko na panay tunog ang machine. Sinilip ko, "Teh anung problema?" "Ewan ko ba dito? Ayaw maglabas ng pera." "Baka naman wala ng laman yang ATM mo?" "Gaga my 1k pa oh tignan mo." Meron pa nga. akala ko nagti-trip lang si Lee. "Oh, edi itry mo ulit." Siguro naka limang try si Lee pero hindi talaga nag lalabas ng pera yung machine. "****! Limang daan lang kailangan ko oh. bakit ayaw mong mag labas!" "Try mong dasalan teh baka maglabas!" Nag jojoke na ako nun kasi kita na kay Lee ang pag kabadtrip. "Baka naman my maintaining balance kaya hindi ka maka withdraw?" "Wala!" "Okay."

Maya maya nasabi ko sa kanya "Sa ibang ATM machine ka nalang mag withdraw, 10 pesos lang naman mababawas per transaction eh." Bago pa kami lumabas ng ATM booth sinuntok pa ni Lee yung machine. Ang taray!

At tumalak talak na si Lee sa pag ka inis. Sa Allied siya nakapag withdraw. Kaya go na kami sa KFC. Nakaorder na pala sila. Sobrang tagal ata namin sa pagwi-withdraw. Kaya derecho na kami sa pag order. Sabi ko kay Lee, Gogo at Large Iced Tea lang sakin. So pag dating ng order. Umorder pa si Lee ng food. Sa sobrang galit napadami yung kain. taray! Habang kumakain ako ng Gogo parang ang sarap sarap niya. Siguro kasi nakatingin ako kay Jesse nun habang kumakain. oh diba? try niyong tumingin sa gwapo habang kummakain baka lalong sumarap yung kinakain niyo. Taray! Nag order si Gerald ng Cheesy Pops pag dating nun, My isa pang Gogo ang binigay nung crew. Sabi namin meron na. Sabi naman niya, eh meron pa daw sa receipt na nakalagay kaya kinuha ko naman. Sabi ko kay Lee akin nalang. Kasi nagugutom pa ako. Tapos tinignan ko ulit si Jesse, "Teh take out ko nalang toh, busog na ko eh." (nabusog na ako sa pag tingin kay Jesse.)

So uwian na. kanya kanyang way na kami. pero bago umalis ng KFC. Nakita ko pa si Glen (co-officer ko sa org) kasama niya yung mama niya. Ayun hi-hello then uwi na.


Episode 3 of 4
"Mga Baklang Kanal! Nag-Enjoy ba kayo? Kasi Ako hinde!"


-oNzey

Thursday, June 10, 2010

Mga Baklang Kanal! Nag-enjoy ba kayo? Kasi Ako Hinde! Episode 2

okay, april 23. graduation day. ang call time namin ni Lee 8am. Kumusta naman at hindi ako makakadating sa school ng ganung oras. Kasi galing akong Pasig. Eh kung sa dorm pa rin ako nakatira, isang tumbling lang hindi ako male-late. Taray!

10am kami nagkita ni Lee sa Recto. Oh diba? dalawang oras ako hinintay ni Lee. At hindi pa daw nagsisimula ang ceremony ng graduation sabi ni Larvigne sa text. Actually, kaya naman both Lee and I were eager to go to the ceremony kasi batch ko yun. Sadly hindi ako kasabay nila rumampa sa stage ng PICC. Pero okay lang Im looking forward naman sa graduation ko sa april 2011. Si Lee naman kaya gusto niya manuod kasi, yung mga anak anakan niya sa mga pageant ay rarampa din. At to support Larvigne Batuts Japis na rin. kasi inaasam niya yung pag rampa niya sa stage ng matagal na panahon. (wag niyo ng itanong kung gaano katagal. basta matagal!)Taray!

Alas onse na at nasa Recto pa rin kami. Si Lee nagmumura na sa inis dahil walang taxi available na sakyan namin. So sabi ko "Teh, wait lang bili lang ako ng food sa Mcdo. Mukang matagal pa naman ata yung taxi." Sabi niya "Wag na teh, dyan ka na lang bumili sa 7-11." Since nagcraved ako sa hotdog sandwich that time kaya bumili na ako. Pag labas ko ng ng store sakto my taxi ng pumara samin. Taray! Habang kumakain ako ng hotdog sandwich at umiinom ng soya milk chocolate flavor. Biglang nag break si manong driver. at saktong umiinom ako ng soya milk chocolate flavor nun. Crappy! tumapon sa pantalon ko yung soya milk chocolate flavor. pati dun sa upuan. nakita ko yung reaction ni manong driver na medyo nadismaya sa pagkakatapon ng soya milk chocolate flavor sa upuan ng taxi niya. Keri lang linisan na lang niya noh, kasalanan niya din bigla bigla siyang nagii-stop.

sa maling gate ng PICC pa kami binaba nung driver. Pero infairness, hinatid pa rin niya kami sa tamang destination. So go on naman kami ni Lee sa loob ng PICC. Nakakapagtaka, kasi bakit ang daming tao nun sa labas eh dapat nasa loob sila at nanonood ng labad ni Pacquiao. ay este graduation pala.

pag pasok namin sa loob, gumana ang creativity ni Lee, sabi niya. Magandang gawin dito yung keme, maganda mag photoshoot dito yung keme, at iba't ibang kakemehan ni Lee. Pero okay lang kasi maganda nga naman ang mga naiisip niya. Pero kung may pera para maisakatuparan ang mithiin sa buhay ni Lee. taray!

Ng makapasok kami sa loob, doon ko naintindihan kung bakit nasa labas ang maraming tao, akala ko dahil dadaan si mayor at mag bibigay ng bigas. Naisip ko, nakakainip nga naman maghintay at manuod ng mga taong tinatawag sa stage na nakikipag kamay sa mga taong nakasuot na parang sa Hogwarts. Taray! Siguro tapos ng tawagin yung mga anak nila kaya hinihintay nalang matapos. para makauwi na at mai-celebrate ang graduation.

sakto nakita ko si Donna, kaso bakit wala si Lei? So tanong naman ako. sabi niya hindi daw nakapag paalam sa OJT nila. Buti pa sila nag start na mag OJT ako wala pang papers na naaasikaso. Habang naghahanap si Lee ng uupuan namin, ung radar ko para sa mga lalakeng gwapo ay umandar. sa my fifth row, sa dulong upuan ay my mag isang nakaupo at nanunuod ng graduation. "Teh, dun tayo bilis my gwapo." uhm, walang sabi sabi umupo si Lee sa tapat nung guy sa 4th row. Taray! Basta gwapo, go lang ng go. So ayan na. nuod nuod. Maya maya, biglang nawala si kuyang gwapo. Kasi nilingon ko siya sa likod para masilayan siya ulit. Ngunit nawala siya. iba ang nakita ko. Si Jim Dig, na mag isa din nanonood. Nabakante yung isang upuan kaya tinawag ko si Donna para tumabi sa amin ni Lee. Sa sobrang tagal na tawagin ang mga taga CCSS, eh nag kwentuhan nalang muna kami ni Donna. Maya maya ulit, akala ko graduation lang ang pinuntahan ko. Concert din pala yun. ang taray! Si Lee nag concert, nakatulog siya at naghihilik! kinalabit ko siya tapos sabi ko "Teh, wag ka magconcert dito. Graduation toh teh."

CCSS na ang tinatawag. Una, natutuwa ako kasi yung mga kakilala ko nakikipag kamay na sa mga taong parang galing sa Hogwarts ang suot. At tinatawag ang mga pangalan nila. Pero nung mga friends ko na yung tinatawag at sunod sunod na sila, bigla akong nakaramdam ng lungkot. Pero okay lang Im looking forward naman sa graduation ko sa april 2011. Take two?

Nung tinawag si Perry humiyaw talaga kami ni Donna para icheer siya. My pang aasar yung tawa namin ni Donna kasi nga buong buo tinawag yung pangalan niya. Eh hindi namin alam na ang buong angkanan ni Perry ay nasa harap lang namin. yung nanay ni Perry, nakatingin samin. Buti nalang at wala kaming sinigaw na ikakabuking ni Perry. haha! (naka smile naman yung mama niya nung tumingin sa amin. infairness)

my isang graduate from Dent ang umakyat sa pwesto namin para puntahan yung boyfriend niya. Eh BA na yung tinatawag kaya si Lee todo nood kasi graduate siya from College of Business Ad kaya dami siyang kilala dun. Eh si ate from Dent nakaharang so hindi makita ni Lee kung sinu na yung nasa pila. "Excuse me!" agad agad namang tumabi si ate "Thank yhowh!" as in ma-H talaga yung pronounciation niya. ang taray ng approach nag maldita pa si Lee diba?.

Ayan tapos na, super baba naman kami sa baba para icongratulate personally ang mga friends namin. Si Mhackz, hinahanap namin, wala nasa labas na daw siya, pero we congratulated our friends muna especially si Larvigne na 8 years hinintay ang graduation niya.

Pag labas namin, nakita pa namin si Ashen na kanina pa naman namin nakikita sa loob para icongratulate. at nga pala, para sa ikalawang pagkakataon habang papalabas kami ni Lee ay my nakakita nanaman sa amin at nikita nanaman namin siya. Si Ohio.

Sakto, nasa taxi na si Mhackz, yung ate at mama niya. Hindi na namin siya nacongratulate personally. Pero my chance pa kasi mag throw siya ng graduation slash birthday party kinabukasan.

Eh tapos na, uwian na. Pero sabi ko. "Teh kumain muna tayo. Gutom nako." Kain naman kami sa Tropical Hut. ang taray kasi sa labas ay nag rerehers yung mga street dancers para sa Aliwan 2010. Sa tv lang ako nakakakita ng ganun. Kaya happy ako to watch them. Sa tropical Hut din ay kasabay namin kumakain ang family ni Mark Luna.

At para sa ikatlong pagkakataon, nandyan nanaman si Ohio.

After kumain, nagyaya ako na manuod muna ng rehearsals kasi hindi pa ako nakakapanuod ng ganun sa personal. Nandoon din si sir Bana, sir Ligas, at sir Afable na kumukuha ng litrato. After ng rehearsals nagyaya na akong umuwi. Eh my mga booths doon na nag papalaro. Kaya tingin tingin muna. Maya maya, my sumigaw "Oh dito naman kayo mag laro, 1 thousand pesos ang price!" Nag pantig siguro yung tenga ni Lee at bigla bigla siyang umarya sa pilahan. Eh puro mga taong kalye yung mga pumila, kaya nag yaya na akong umalis at umuwi na.

Sa my kanto. Hindi ko alam kung anung avenue yun pero doon kami naghihintay ng taxi ni Lee pabalik ng school kasi nga as usual sa unstoppable nanaman siya tatambay para maikita si toooot. joke!

Napansin ko na walang dumadaang sasakyan sa side kung saan kami naghihintay. Sa kabila, meron madami. Eh ang tagal na din namin naghihintay, si Lee my sineseyasang taxi sa kabilang side. Eh naka stop yung side na yun. Sabi ko kay Lee. "Tara teh, punta na tayo sa kabila." "Hindi sinenyasan ko na siya pumunta dito." "Tara na teh, paganun naman yung way natin eh para hindi na umikot ulit. Bilis baka mag go na!"

Takbo kami ni Lee sa kabilang side. Nag taka ako bakit bigla siya huminto? at bigla niyang binuksan yung taxi. Nagulat yung driver at nagulat din si Lee at nagulat din ako kay Lee bakit niya binuksan eh my sakay yung taxi. Akala ko yung Avanza yung pinara niya na nasa unahan nung taxing binuksan niya. Eh biglang nag go. Hala na shock talaga kami that time. Buti na lang at sa likod nung taxing binuksan ni Lee ay my taxing available kaya sakay kami agad. Pero buti nalang at hindi napalo ng tubo ng taxi driver si Lee sa pagbubukas ng pinto ng taxing walang sabi sabi at may sakay na pala. taray!

Episode 2 of 4
"Mga Baklang Kanal! Nag-Enjoy ba kayo? Kasi Ako hinde!"


-oNzey

Monday, June 7, 2010

Mga Baklang Kanal! Nag-enjoy ba kayo? Kasi Ako Hinde! Episode 1

okay, before ko i-explain why this four episodes of my blog ay my title na ganito. mag start na ko mag kwento okay? Taray!


start ng bakasyon pero nasa school parin ako. bakit? kasi inaasikaso ko ung mga papeles ng OJT mga requirements na dapat ma accomplish bago mo maenroll yung subject. ang taray diba? and for sure marami akong kakilala na negative ang feedback sa bagong process na yun.

inabot na ako ng hapon pero, wala akong na-accomplish kahit isang form wala akong napa-print at napapirmahan, si Sire Lee, nung nalaman niya na nasa school ako ay pumunta siya, kasi gusto daw niyang umattend ng commencement rights or rites or exercise or whatever. kaya he ask me to get ticket for him. so ako naman kinuhaan ko siya. habang nag hihintay ako sa kanya ay nasa RND naman ako para maki-internet (sa lahat ng nagtatanong kung RND member na daw ba ako, ang sagot ko po ay hindi. Hindi po kaya ng powers kong sumali at dagdagan pa ang responsibilidad ko. okay? Taray!)

nung dumating na siya super chikahan muna and then we went to unstoppable para makapag net din daw siya. ako naman nainis, kasi libre na nga sa RND lalabas pa ako para mag bayad. pero wala din akong nagawa, kasi tinablan din naman ako ng hiya noh. tapos out of nowhere nagyaya si Lee na pumunta sa SM Sta Mesa, ay ako pala yung nakaisip nun kasi magka-canvas ako ng battery ng digicam ko kasi nasira, pero bet ko talaga mag mall hopping kapag nagka-canvas ako ng gamit (ugali ko talaga yun, my sumama na sakin sa pagmo-mall hopping dati, hindi niya kinaya! haha) tapos sabi niya, "ay try mo sa Quiapo, sa Hidalgo baka meron dun." "Ay wag na teh, pagabi na maraming nang pangit dun! (Mr. Benedic Enriquez' term for snatchers and hold uppers)" "Okay nga yun lalabas na din ung mga callers" "Anung callers?" "Call boy!" "Ay, wichels teh! ayoko ng mga eksenang ganyan!"

So we went na lang sa SM Manila, ayan, nag marunong ako. Umakyat kami ng 5th floor para pumunta sa cyber gate eh nasa basement pala ang cyber gate, Taray! eto naman kasi si Lee hindi nag sasalita, alam naman pala niya na nasa baba yung cyber  gate hindi pa nag salita agad. So baba naman kami.

Unfortunately, walang tindang battery sa cyber gate, eh wala naman service center ng sony dun, edi nag yaya nalang si Lee manuod ng Sine kinse, yung mga lumang movies na worth 15 pesos mo lang mapapanuod sa SM Manila cinema, bago kami makaalis sa cyber gate, my nakita kami, at nakita din niya kami!

si Ohio, kasama yung girlfriend niya. ayun, hi-hello portion then fly away na kami ni Lee, at bago pa talaga kami makaalis sa cyber gate, habang nag sasalita si Lee, yung mata ko naman ay nakatuon sa isang lalaking nakaupo sa sofa sa gitna ng cyber gate. nakablue, mukang matangkad, maganda yung built ng arms at shoulders at tamang gwapo din naman, infainess! At si kuya ay nakipag titigan sa akin. Taray! pero hindi naman ako sanay makipag titigan sa mga hindi ko kilala. kaya pag lagpas namin. natigilan si Lee sa pag sasalita ng mapansin niyang hindi naman ako nakikinig sa sinasabi niya. "Teh, anu un?" "wala, si kuya effect! nakipag titigan saken!" "nasaan?" "yung naka blue!" walang sabi sabi, bumalik siya kung saan nakaupo si kuyang naka blue at on top of his lungs sinabi niya ito: "asan dyan yung gwapo? yung nakablue. mag kano ba kaya mo Ado?" "ay taray Lee, try mu pang isigaw, para marinig lahat ng nandito sa cyber gate" haha!

sa sobrang hiya ko bumilis yung lakad ko at tawa kami ng tawa ni Lee sa ginawa niya. pag akyat namin sa movie world ng SM Manila, tinignan namin yung palabas, ang taray ng palabas, action si Ronnie Rickets ata yung bida. sabi ko kay Lee, Alice in Wonderland nalang panuorin natin. "Napanuod ko na yan, nabored ako sa movie na yan eh." eh matutulog lang naman kasi siya sa sinehan kaya bet niya yung tigki-kinse, taray ni Lee diba? Mag babayad siya para matulog. haha!

Eh hindi din kami nag kasundo, kaya uwian na lang ang naisip namin, pero bumalik kami sa unstoppable, pero bago umalis ng SM Manila, bumili muna kami sa Brownies. Pag sakay sa jeep, napansin namin ni Lee na nakasabay nanaman namin yung medyo cutie na bata. (nakasabay na namin ung 13 years old ata na lalake medyo cute, papunta sa SM Manila) sabi ni Lee "my istura ung bata." "Ay teh? Mala-Larvigne ba ito?" haha! then we went to unstoppable, super net hanggang 12 midnight. Sinulit ko kasi alam ko hindi na ako makakalabas ulit ng bahay at super tinamad na akong ayusin yung papers para sa OJT.

Episode 1 of 4
"Mga Baklang Kanal! Nag-Enjoy ba kayo? Kasi Ako hinde!"


-oNzey

Thursday, June 3, 2010

Possession Obsession Manipulation

when will you say that you truly love someone?

is it when you give them everything?

or when you are being possessive, obsessive and manipulative?

some people just play love. playing to tend breaking someone’s feelings. sometimes we do anything even using someone to get what we want or to get closer to that person we love. maybe because we don't have guts or we are afraid of the outcome in the first place, we knew that there is no way for love. But still we try our luck even in the end we lose. We seize every moment we spent together with the person we love, to the extent we think there might be a reason to fantasized that there be a happy ending. We were blinded by the fact friendship is the only thing they can offer to us but that friendship is mixed by our illusions that there's might be something in common. Because, we thought of the special treatment they give us but the truth is, it is their way of preserving friendship not only between us and them but also to other people.

We start pretending and assuming from that person we love. We pretend that we are not afraid that in the end we lose but we still do this to feed our fantasies. We assume that the friendship their offering is love.

Until we start possessing them, we start to make sure that they are okay everyday and every night. We give them absurd attentions and care. We react dense when we saw them talking, mingling, having fun with other people. Till we manipulate them, manipulate that we don’t want them to meet new friends because we are afraid that they will forget us. Even their personal things we give ridiculous concerns. We put standards for them, giving them guidelines what should they do and not to do, who should talk to and who should not, where to go to and where not to go.

But is not love anymore, it became obsession sometimes lust. And when they think that we are getting exaggerated about how we feel towards them. And when they tell us not to be manipulative, we become emotional, we start expressing indirectly how we feel. We look for someone to shift our feelings, for that person who hurt us for them to know that we are strong and that we are not affected. But the truth is, we are just fooling ourselves, we hurt ourselves even more.

This unhealthy situation should be avoided from the very start, if we know that there will be no way for you, do something else or find someone else. Don’t hope for nothing, fantasies are pleasant feelings but know where to stop. And don’t set your mind, feelings, and energy for a person who doesn’t deserve you because when you fall fast, you fall hard and its painful.

Be positive, objective and be realistic.

oNzey